Tila gusto umanong gawing punching bag ni social media personality Rendon Labador si Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa Facebook MyDay kasi ni Rendon nitong Sabado, Disyembre 2, makikita ang screenshot ng reply niya sa komento ng isang netizen.

Sey ng netizen, bakit daw inaalok pa ni Rendon si Kathryn Bernardo na mag-gym samantalang sobrang payat na umano nito? Ang dapat daw ay magpataba ang aktres dahil mas bagay umano rito ang chubby face.

“Bulking ang program niya, tapos mag-start sa boxing training ang cardio…ang gagamiting punching bag ay si DJ,” sagot naman ni Rendon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Matatandaan kasing matapos kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang balitang hiwalay na sila, nagpaabot ng mensahe si Rendon kay Kathryn para tulungan ang huli na maka-move on.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

“Gym ang puntahan ng mga broken hearted. Kung iniwan ka ni DJ, ang gym hinding-hindi ka iiwan niyan,” sabi ni Rendon kay Kathryn.

MAKI-BALITA: Rendon, may mensahe para kay Kathryn: ‘Andito lang ang Kuya’

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksyon si Kathryn kung papatulan ba niya ang alok na ito ni Rendon.