Ito na nga ba ang end game ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla on and off screen?

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Martes, Nobyembre 28, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niyang tsika tungkol sa KathNiel bagama’t nilinaw niya na wala pa raw itong kumpirmasyon.

“Hindi na raw—ita raw, ha—kasi ‘di natin alam kung gaano ang isandaang porsyento bang totoo ito o puro kuwento-kuwento lamang. Wala pa tayong resibo dito, inaamin po namin.” saad ni Cristy.

“Ang kuwento, hindi na sila [Kathryn at Daniel] ng Star Magic, ng ABS-CBN. Kaya nga ang balita, ang kampo ni Kathryn, nakikipag-usap na raw kay Rambo Nuñez. Kina Maja [Salvador],” aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dagdag pa niya: “At si Daniel, kukuha na rin ng ibang management.”

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita tungkol sa hiwalayan ng dalawa noong itsika ni showbiz columnist Ogie Diaz na palihim umanong nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Lalong lumakas ang alingasngas na hiwalay na sina Daniel at Kathryn nang i-unfollow ng huli si Andrea.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Gumanti naman si Andrea sa ginawang ito ni Kathryn sa kaniya.

MAKI-BALITA:  Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring tugon, pahayag, o reaksiyon ang mga sangkot na artista hinggil dito.