Sa kabila ng umuusong hiwalayan sa mundo ng showbiz, tila hindi nagpapatinag ang mag-jowang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Sa Instagram post ni Ronnie kamakailan, binati niya ang jowang si Loisa para sa 7th anniversary ng kanilang relasyon.

“Maligayang ikapitong taon sating dalawa.. wla pa dn nag babago mas sumosobra pa nga!“ saad ni Ronnie sa caption ng kaniyang post.

Sabi pa niya: “Lagi mong tatandaan lagi lang ako nasa likod mo! mahal kita 😘❤️”

National

'Carina,' mas lumakas pa; 3 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1

“I love you beh! Thank you 💜” reply naman ni Loisa.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga tagasubaybay ng LoiNie para sa bagong milestone ng kanilang love life. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Happy anniversary lovebirds!!! ❤️ Parang kayo na next…. Hahaha love love!!”

“woohooo!! Happy Anniversry #LoiNie 💚💚💚”

“Happy Anniv lovebirds❤️❤️❤️”

“Ayun oh! Happy ika pitong anibersaryo ng pagmamahalan. Wish ko na hanggang may mga uban na ang buhok ninyo ganyan padin ang pagmamahalan! Love you @iamr2alonte @iamandalioloisa ❤️❤️❤️”

“Awww so sweet!!! Happy Anniversary @iamandalioloisa & @iamr2alonte 🥰”

“Happy anniversary tol can’t wait to see you next year.”

“Happy 7th Anniversary Lodi ❤️😘”

“Happy Anniv Loinie wag kayo mag hihiwalay kayo na lang kinakapitan ko sa lahat ng nakikita ko ngayon Love you both 💛💛”

“Grabe yung effort ng isang Ronnie😭🙌”

“Happy anniv stay strong.. ❤️sana wlang A na bumuwag sa inyo😂”

Samantala, sa isang hiwalay na post, flinex din ni Loisa ang mga larawan nila ni Ronnie.

“7 years down, Forever to go! 💜😘✨Happy 7th Anniversary, I love you! @iamr2alonte,” ani Loisa sa caption ng kaniyang post.

Matatandaang noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Loisa ang sikreto sa matagal nilang relasyon ni Ronnie.

MAKI-BALITA: Loisa sa sikreto ng mahabang relasyon nila ni Ronnie: “Wala na kaming paki sa sasabihin ng iba”