Tila nabawasan na umano ng mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo matapos kumalat ang balitang hiwalay na raw ang dalawa.

Sa isang episode ng programang “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Nobyembre 27, sinabi ng host na si Romel Chika na tila unti-unti nang tinatanggap ng KathNiel fans kung saan hahantong ang relasyon nina Kathryn at Daniel.

“Ang mga KathNiel supporter nabawasan na. Samantalang dati 100 porsyento sabay-sabay silang magpo-post. Tumatanggi. Pero ngayon, nakita n’yo ba na lumamig na ‘yung ilan?” ani Romel.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Alam n’yo, hindi na 100 porsyento kundi unti-unti na sigurong ninamnam na ‘o, mukhang dito na papunta ito,  Kaya tanggapin at kumalma muna tayo at hintayin natin ang official announcement ng dalawa’,” sabi pa niya.

Sang-ayon naman si showbiz columnist Cristy Fermin sa sinabing ito ni Romel. Sa katunayan, ang anunsiyong iyon na lang talaga ang hinihintay ng mga tagasuporta. 

Bagama’t pinabulaanan na ng ina ni Daniel na si Karla Estrada ang tungkol umano sa balitang ito, tila hindi naman umano malinaw ang sinabi ng TV host-actress.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, nagsalita na tungkol sa isyung hiwalayan ng KathNiel

“Very vague. Malawak. Kuwestiyonable. Hindi niya inamin alin ba doon ang hindi totoo. Hindi ba totoo na siya ang nagdaldal tungkol sa paghihiwalay ng anak niya at ni Kathryn? O hindi totoo na nag-break na ang dalawa?” ani Cristy.

MAKI-BALITA: Cristy, ‘di kumbinsido kay Karla tungkol sa hiwalayan ng KathNiel

Matatandaang nagsimula ang alingasngas na hiwalay na umano ang KathNiel nang kumalat ang balita na palihim umanong nagkikita si Daniel at kapuwa Kapamilya star Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA:  Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?