Umabot pa sa 111 rockfall events ang naitala ng Mayon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang nasabing pag-aalboroto ay naobserbahan sa nakaraang pagmamanman ng ahensya sa bulkan.

Nagkaroon din ng 1,623 toneladang sulfur dioxide emission ang Bulkang Mayon, bukod pa ang puting usok na tinangay ng hangin pa-hilagang-kanluran at kanluran-hilagang kanluran.

Nakaranas din ng pagragasa ng lava sa paligid ng bulkan kung saan naapektuhan nito ang Mi-isi, Bonga at Basud Gullies.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok ng publiko sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagbuga ng mga bato, pagragasa ng lava sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan at pagputok nito.