Kinumpirma na ni "Senior High" star Elijah Canlas na hiwalay na umano siya sa jowa niyang si Miles Ocampo.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Elijah nitong Huwebes, Nobyembre 23, naitanong sa kaniya ang tungkol sa relasyon nila ni Miles.

“We wanna know the real score. Is it like…are you still together or not anymore? usisa ni Ganiel Krishnan

“Sadly, no. We broke up couple months ago. But I’m always gonna have love for her. I’m always gonna support her in whatever she does. I’m always her number one fan, basically,” sagot ni Elijah.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa niya: "But right now we’re taking our time figuring out ourselves and our lives right now."

Matatandaang noong nakaraang taon ay isinapubliko nina Miles at Elijah ang kanilang relasyon.

Pero bago pa man maging mag-jowa, nagkasama na ang dalawa sa drama series na “Paano ang Pangako?” noong 2020.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag o kumpirmasyon si Miles tungkol dito.