Magsasagawa ng tatlong araw na transport strike ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magsisimula sa Lunes, Nobyembre 20, bilang protesta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon sa PISTON nitong Miyerkules, Nobyembre 15, isasagawa nila ang transport strike mula Lunes, Nobyembre 20 hanggang Huwebes, Nobyembre 23, bago ang nakatakdang deadline (Disyembre 31, 2023) sa kanila ng pamahalaan na mag-comply sa mga guidelines ng programa.

National

Nationwide transport strike, kasado na sa Lunes

Sinabi rin ng grupo na mistulang pinapatay umano ng programa ang kanilang kabuhayan dahil pang-aagaw ito sa kanilang prangkisa at magbibigay-daan sa monopolyo, na kontrolado ng malalaking korporasyon sa transportasyon.

Bago ang PISTON, matatandaang nagsagawa rin ng transport strike ang Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) noong Oktubre sa parehong dahilan.

Maki-Balita: Nationwide transport strike, kasado na sa Lunes

Noon pang 2017 sinimulan ng Department of Transportation ang naturang modernization program. Ngunit tutol dito ang mga jeepney driver at mga operator dahil masyado raw mahal ang modern jeepneys na maaari umanong umabot sa mahigit P2 milyon.