Sumalang si Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol sa isang portion ng “Fast Talk with Boy Abunda” na “Pick and Talk” nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Sa bawat rounds ng “Pick and Talk”, pipili si Herlene ng isa sa dalawang artistang ipapakita sa kaniya sa LED screen.

Unang lumitaw sa LED screen ang Larawan nina “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards at “Pambansang Ginoo” David Licauco. Sa pagitan ng dalawa, si Alden ang pinili ni Herlene.

“Mas nauna ko siyang crush, e,” paliwanag ni Herlene.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaan noong isang taon ay nagnakaw pa ng halik si Herlene kay Alden. Hindi naman ito nagustuhan ng marami kaya humingi siya ng dispensa para sa mga nailang sa ginawa niya sa aktor.

MAKI-BALITA: Herlene Budol, umiskor ng halik kay Alden; humingi ng dispensa sa mga nailang

Sa kasunod na round, lumitaw naman ang larawan nina Kapuso star Kelvin Miranda at Buboy Villar. 

Sa pagitan ng dalawang aktor, pinili ni Herlene si Buboy.

“Napakapogi ng ugali niya,” saad ni Herlene.

Dagdag pa niya: “Kasi nag-lock in kami noon before. Sobrang alaga niya sa akin as partner niya po doon. Naging asawa ko siya, e. Sobrang alalay na alalay po siya. Kahit walang camera, sobrang alaga niya po ako as a friend.”

Sa huling round, sina Alden at Buboy naman ang pagpipilian ni Herlene dahil ang dalawang aktor ang nanalo sa dalawang unang round.

“Ikaw, ang final choice, is that Buboy or Alden Richards?” tanong ni Boy.

“Buboy,” sagot ni Herlene, “Promise, Buboy talaga. Kahit mga tropa-tropa ko, ‘pag inaano nila na parang ‘o kumusta si Buboy?’ Napakapogi n’on. Sobrang the best no’n.”

Hindi tuloy naiwasang mapapalakpak ni Boy sa naging sagot ni Herlene.