Presyo ng itlog, tumataas na rin -- DA
Tumataas na rin ang presyo ng itlog sa bansa habang papalapit ang Disyembre.
Ito ay batay na rin sa pag-iikot ng Department of Agriculture (DA) sa mga pamilihan sa Metro Manila kamakailan.
Sinabi ng DA sa panayam sa telebisyon, tumaas na ngayon ang itlog sa ilang palengke sa National Capital Region (NCR).
Kaugnay nito, tanggap naman ng Philippine Egg Board Association (PEBA) ang pagtaas ng presyo ng itlog dahil sa mabagal na produksyon nito.
“₱7 ang average namin sa farm sa medium, ₱7.40 sa large. Sa market, ang presyo sabi nyo ₱9.50 sa medium, pagkatapos ₱11 to ₱12 pesos sa large. Ang laki naman ng diperensya… Parang sobra naman,” sabi pa ni PEBA Chairperson Gregorio San Diego sa isa pang television interview.