Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na balik nang muli ang kanilang programang 'Kalinga sa Maynila.'

Nabatid na mismong si Lacuna ang nanguna sa pagbabalìk ng service-oriented na "Kalinga sa Maynila" nitong Martes, na idinaos sa Zaragoza St., harap ng Rosauro Almario Elementary School sa unang distrito ng Tondo.

Probinsya

Estudyanteng 'di umano'y may kasong 'rape,' patay matapos buweltahan ng kaanak ng biktima!

Ang nasabing aktibidad ay sakop ang mga Barangays 17, 19, 28 at 30 at kabilang dito ang nakagawian na 'ugnayan' kung saan ang mga residente ay maaaring makapagtanong ng kahit na ano at personal namang sasagutin ng lady mayor.

Bukod dito, nagdaos din ng ang lokal na pamahalaan ng job fair, service fair, free medical consultation at mga libreng pangunahing medisina.

Ang "Kalinga" ay ginagawa ng Manila City government sa mga barangays upang ihatid ang pangunahing serbisyo ng Manila City Hall ng direkta sa mga residente.

Matatandaan na ang nasabing programa ay pansamantalang itinigil noong Setyembre 15, dahil sa idinaos na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) noong Oktubre 30, bunsod na rin nang pagbabawal ng mga kahalintulad na gawain.