Nilinaw ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na nasa maayos siyang kalagayan matapos kumalat ang tsikang naaksidente raw siya habang nasa El Salvador, para katawanin ang bansa sa nabanggit na patimpalak.

Aniya sa kaniyang X post, "Idk where the rumor came from that I got into an accident but don’t believe it! We’re all good! 🤍🇵🇭."

https://twitter.com/michellemdee/status/1721350550816776197

Anyway, laban na laban si Michelle sa Miss U at in fairness, maraming pumupuri sa lakas ng confidence at fighting spirit niya para i-represent ang Pinas.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sey ng mga netizen, sana ay patunayan niyang nagkamali ang bashers niya nang manalo siya sa MUPH 2023.

Sa katunayan, siya ang nanguna sa "Voice of Change" na isang online poll kaugnay pa rin ng patimpalak.

Nagpasalamat naman ang Miss Universe Philippines organization sa suportang natatanggap umano ni Michelle sa naturang botohan.

“Salamat, Pilipinas! Thank you to all the supporters, pageant fans, bloggers, FB groups, queens, talents, influencers, and general public who have been continuously helping. ❤️,” saad ng organisasyon sa isang Instagram post.

“Through Bayanihan, we have achieved the top spot for Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee in the Voice for Change category. 👏👏👏,” dagdag pa nito.

Hinikayat din ng Miss Universe Philippines organization ang publiko na bumoto para kay Michelle sa pamamagitan ng website ng CI Talks.

Ang “Voice for Change” category ay nagbibigay-daan sa beauty queens na ibahagi, sa pamamagitan ng isang 3-minute video, ang kanilang adbokasiya at hikayatin ang publiko na makilahok para maisakatuparan ito.

MAKI-BALITA: Michelle Dee, nangunguna sa botohan para sa Miss Universe ‘Voice for Change’