Usap-usapan ang bagong labas na trailer ng hit action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" kaugnay ng mga magaganap sa darating na linggo, simula Nobyembre 6.

Mapapanood ang bagong trailer sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment.

Hindi sila nagpakabog sa mga pasabog para masabayan ang pilot episode ng bagong makakatapat nilang "Black Rider" na pagbibidahan ni Kapuso actor Ruru Madrid, Matteo Guidicelli, at ang dating katambal ni Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano" na si Yassi Pressman.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabi nga ni Ruru sa media conference, nagkausap sila ni Coco bago ang airing nila, at nasabi raw nito sa kaniya na pinaghahandaan na nila ang pag-ere ng bagong makakatapat.

Hindi ito ang unang beses na nagkatapat ang dalawa. Matatandaang tinapatan ng "Lolong" ni Ruru ang Probinsyano bago pa man ito tuluyang nagwakas sa pag-ere, na tumagal ng pitong taon.

Anyway, kaabang-abang ang mga kaganapan sa serye ni Coco batay sa ipinalabas na trailer. Umaatikabong aksyunan ang mapapanood dito lalo na ang stunts na kanilang inihanda, siyempre at ayaw naman nilang pakabog sa kanilang makakalaban, na surely ay pinaghandaan din ang pilot episode.

At speaking of bakbakan, nakakaloka rin ang bed scene sa trailer nina Tanggol (Coco) at Bubbles (Ivana Alawi) na isa rin sa mga tiyak na aabangan. In fairness daw ay may chemistry ang dalawa.

Nawindang ang mga netizen sa bed scenes ng dalawa, at biro pa nga nila, talaga "sulit na sulit" ni Coco ang pagkakataong makapareha si Ivana.

May humirit pang tila "ganti" raw ito ni Coco sa "tukaan scenes" naman ng rumored partner na si Julia Montes sa nakatambal nitong si Alden Richards sa pelikulang "Five Breakups and a Romance" na in fairness ay tumatabo naman sa takilya hanggang ngayon.

MAKI-BALITA: Julia kumabog-dibdib sa ‘higupan’ nila ni Alden

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa nabanggit na trailer.

"Wow im so excited to watch the new chapter. Ang galing mo tanggol wt bubles im sure mataas n naman rating..."

"Ang sarap😚😚😚😚😚... Ay este magaling pala 😂"

"Iba ka talaga Coco Martin, tanggol."

"Sinulit si Ivana sa bakbakan hahaha."

"Sinulit naman ni Coco si Ivana sa bakbakan hahahaha."

Mapapanood ang mga eksenang makikita sa trailer simula sa Nobyembre 6. Ang tanong, malalampaso kaya ni Tanggol si Black Rider?

MAKI-BALITA: Umaatikabong bakbakan, tampok sa new trailer ng Batang Quiapo