Pumanaw na ang Hollywood actor at “Friends” star na si Matthew Perry sa edad na 54, ayon sa mga ulat.

Sa ulat ng TMZ, inihayag umano ng kanilang law enforcement sources na natagpuang patay si Matthew sa isang Los Angeles-area home nitong Sabado, Oktubre 28 (Linggo, Oktubre 29, PST).

Lumabas din ang mga ulat na natagpuan umano ang aktor sa isang hot tub. Wala naman umanong namataang drugs sa lugar.

Kilala si Matthew sa kaniyang ginampanang karakter na Chandler Bing sa hit TV series na “Friends.”

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagluluksa ang opisyal na Facebook page ng “Friends” sa naging pamamaalam ng aktor.

“We are devastated to learn of Matthew Perry’s passing. He was a true gift to us all,” pahayag ng Friends nitong Linggo.

“Our heart goes out to his family, loved ones, and all of his fans,” dagdag pa nito.

Bukod sa Friends, bumida rin si Matthew sa mga palabas, tulad ng 17 Again, Fools Rush In, The Whole Nine Yards, Serving Sara, at Studio 60 on the Sunset Strip.