Tampok si Pinoy Big Brother Grand Winner Keanna Reeves sa ">vlog ng batikang aktres na si Snooky Serna kamakailan.

Isa sa mga naikuwento ni Keanna kay Snooky ay ang maaga niyang pag-aasawa at ang pang-iiwan niya sa kaniyang dalawang anak sa poder ng kaniyang ex-husband na hindi naman daw talaga niya minahal. Pero pinagsisihan umano niya ang ginawang pag-aabandona sa kaniyang mga anak.

Dahil sa dami ng mga pinagdaanan sa buhay, hindi tuloy naiwasang maitanong ni Snooky kung saan humuhugot ng lakas si Keanna.

“Sa dami ng pinagdaanan mo sa buhay, saan ka humuhugot ng lakas?”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Kay Lord,” sagot ni Keanna, “kasi parang ipinaubaya ko na sa Kaniya ‘yung buhay ko kasi parang Siya na lang ‘yung naiwan.”

Mahirap na raw kasing lumapit ngayon sa ibang tao. Hindi na malaman kung sino ang totoo sa hindi. Parang lahat, manghuhusga. Tanging Diyos lang umano ang kakamping pwedeng malapitan nang hindi hinuhusgahan ang pagkatao ng isang indibidwal.

Sabi pa ni Keanna: “Kaya hindi ko alam ‘yung anxiety na salita. Kasi ang alam ko gutom lang ‘yun.”

“Ang ganda ng perspective sa buhay,” puri ni Snooky.

“Kasi kung may kapit ka kay Lord, hindi ka magkaka-anxiety. Kasi tanggap mo lahat sa paligid mo,” dagdag pa ni Keanna.

“Kaya ka winner sa buhay,” saad naman ni Snooky.

Bukod kasi sa PBB, nanalo din si Keanna sa reality game show na “Extra Challenge” ng GMA Network.