Ipinangako ng Saudi government kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na babayaran nila ang backwages ng 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang kumpanya noong 2015.

Ito ang pahayag ni Marcos matapos dumalo sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)-Gulf Cooperation Council sa Riyadh, Saudi Arabia kamakailan.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Binanggit ng Pangulo, pinoproseso na ng pamahalaan ng Saudi ang hindi nabayarang suweldo ng mga apektadong OFW.

“Napo-process na ngayon ‘yun,” President Marcos. We are already coming to the point na ‘yung detalye na lang ang pinag-uusapan. ‘Yung listahan ng mga claimant ay nalinis na, maayos na. And we are just waiting for the details to be worked out between the Saudi side,” anang Pangulo.

Sinabi ng punong ehekutibo, wala pa siyang ibang detalye kaugnay ng usapin.

“But in concept, in principle, itutuloy talaga nila ‘yung pagbabayad doon sa insurance claims ng mga nagtatrabaho sa mga negosyo na nalugi noong nagsara noong COVID. So, that will continue to go. Matatapos natin ‘yan,” anang Pangulo.

Gayunman, hindi pa matiyak ni Marcos kung kailan babayaran ang 10,000 manggagawang Pinoy.

Matatandaang nawalan ng trabaho ang mga nasabing manggagawa matapos magdeklara ng bankruptcy ang kanilang kumpanya noong 2015 at 2016.