Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ₱5,968,744,462.01 halaga ng illegal drugs sa Cavite nitong Biyernes.

Sa social media post ng PDEA, ang nasabing halaga ng ipinagbabawal na droga ay isinailalim sa thermal decomposition sa pasilidad ng Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martires City.

Kabilang sa sinira ang 274 kilo ng shabu na sinamsam sa Manila International Container Port (MICP) nitong Oktubre 6, at 208 kilo ng Dimethyl Sulfone na sangkap ng shabu na kinumpiska sa Mabalacat, Pampanga nitong Agosto 25, 2023.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang naturang ilegal na droga ay nasamsam ng PDEA, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at militar sa sunud-sunod na anti-drug operations kamakailan.

“The destruction of the dangerous drugs is in compliance with the guidelines set on the custody and disposition of seized dangerous drugs under Section 21, Article II of Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002,’’ paliwanag pa ng PDEA.