Puntirya ng Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng isang milyong plaka ng mga sasakyan upang mawala na ang backlog nito.

Sa isang social media post, ipinaliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza, halos araw-araw silang nagsasagawa ng inspeksyon upang matiyak na hindi magkakaroon ng pagpalya ng mga stamping plant.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

“We are now producing one million plates a month. We have dedicated machines that cater only to motor vehicles, and of course, focus din ang production para sa mas maraming backlog sa plaka ng motorsiklo,” anang opisyal.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 80,000 ang naging backlog sa plaka ng mga motor vehicle at posibleng masolusyunan na ito bago matapos ang Nobyembre 2023.

Nasa 13 milyon naman aniya ang backlog sa plaka ng mga motorsiklo.

“I have instructed all District Offices, Regional Directors that we should be able to cater to the current demand as far as motor vehicles are concerned. We estimate that the current demand for motor vehicle plates is around 2,000 vehicles a day. So times two dahil front and back ang plaka, so it’s 4,000 a day. We have that capacity, there’s no reason why a buyer who comes to you now will have to wait months in order to get their plates,” ani Mendoza.

Walong makina na rin aniya ang gumagana upang mapadali ang paggawa ng mga plaka.