Isa sa mga naging pasabog ni Asia's Multimedia Star at Kapuso heartthrob Alden Richards ang pag-amin niyang nagkagusto siya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na ngayon ay kasal na lay Jeremy Jauncey.

Hindi raw alam ni Alden ang pagkakaroon niya ng crush kay Pia noon pa man, na paminsan daw ay nakakausap ng dati niyang co-host sa "Eat Bulaga!" na si Pauleen Luna-Sotto, noong nasa GMA Network pa ang mga ito at hindi pa nangyayari ang gusot sa pagitan ng TVJ at TAPE, Inc.

Aniya sa "Fast Talk with Boy Abunda," “Since sa Eat Bulaga! po, siyempre best friends sila ni Pauleen Luna, every now and then, si Pia would go there to say hi hello to Pauleen, tapos nag-uusap sila."

“As in nakikita ko po siya nang hindi naka-glam so very… wala rin pakialam. Yung puso mabuti."

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

“And then, after she won, I saw her biglang parang grabe… I can attest that she has remained the same.”

Inamin din ni Alden na nain-love siya sa nakatambal na si Maine Mendoza, na alam naman ng lahat na talagang phenomenal ang kanilang tambalang "AlDub."

Kung hindi raw nalaman ni Pia ang damdamin niya rito, kabaligtaran naman kay Maine, na kasal na ngayon sa Kapamilya actor-politician na si Arjo Atayde.

“Yes po. Hypocrite po ako kung hindi. And yes po, ayoko pong sabihin na alam niya, pero I did confess,” diretsahang sagot ni Alden.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Pia o si Maine hinggil sa mga naging rebelasyon ni Alden. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’