Inaresto ng pulisya ang batikang aktor na si Ricardo Cepeda dahil umano sa kasong syndicated estafa habang siya ay nasa Caloocan City, nitong araw ng Sabado, Oktubre 7.

Ayon sa ulat, hindi umano pumalag ang aktor nang dakpin ito ng Quezon City Police District operatives bandang 11:00 ng umaga.

Ang warrant of arrest ay inihain kay Cepeda sa nabanggit na reklamo, sa ilalim ng Article 314 ng Revised Penal Code na kaugnay ng Presidential Decree 1689.

Inisyu umano ang warrant sa pag-aresto kay Cepeda sa Regional Trial Court Branch 12 ni Judge Gemma Bucayu-Madrid sa Sanchez Mira, Cagayan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nasa kustodiya ng QCPD headquarters sa Camp Karingal ang aktor, para umano sa dokumentasyon. Hindi naman malinaw kung magkano ang halaga ng puwede niyang piyansa ukol dito.

Si Cepeda ay bahagi ng seryeng "FPJ's Batang Quiapo." Siya ay dating mister ng batikang aktres na si Snooky Serna.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates hinggil sa aktor. Bukas ang Balita para sa kampo ni Cepeda.