Walang nanalo sa ₱29.7 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Sabado ng gabi.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 46-29-17-54-30-50.
Dahil dito, madadagdagan pa ang mapapanalunan sa susunod na draw nito.
Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, anang PCSO.
Hindi rin napanalunan ang ₱25,911,745.20 jackpot sa Lotto 6/42 draw na may 6-digit winning combination na 42-28-21-38-08-17.