Inamin ni “FPJ’s Batang Quaipo” star Cherry Pie Picache na naaawa na umano siya sa direktor nilang si Coco Martin nang kapanayamin siya ng kapuwa beteranang aktres na si Maricel Soriano kamakailan.

Laking-pasasalamat ni Maricel sa pagpapaunlak ni Cherry sa kaniyang imbitasyon na maging guest sa kaniyang vlog.

Matagal na raw talaga kasing gustong mag-vlog ng dalawa pero nito lang natuloy ang plano dahil super busy si Cherry lalo na’t nagsisimula na ang ikalawang yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Hindi tuloy naiwasang itanong ni Maricel kung kumusta sila sa set ng kanilang teleserye.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

“Sa akin, ano, Inay, ano, e ang saya-saya,” sabi ni Cherry.

Paniniyak ni Maricel: “Talaga?”

“I mean, of course, it’s hardwork, di ba. Wala namang madali. Pero sa ‘Batang Quiapo’ family, it’s hardwork pero masaya kaming lahat. Lahat nagkakasundo,”

Dagdag pa ni Cherry, nakaalalay din umano silang lahat kay Coco.

“Actually, naaawa kami sa kaniya. Kasi sa sipag ng tao, alam mo, syempre, may kapaguran din, di ba. Nakaalalay din kami sa kaniya. Kasi minsan kapag umaarte siya, iniisip pa niya ‘yung linya ng iba…Tapos, sa sarili niyang akting…ang iniisip niya, iba. Kasi last niyang iniisip ang sarili niya.”

Matatandaang kamakailan lang ay nagpatalbugan pa sa aktingan si Cherry sa dating presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio na gumaganap bilang “Lola Tindeng” na ina ng karakter ni Cherry na si “Marites”.

MAKI-BALITA: Charo Santos, Cherry Pie Picache nagpatalbugan sa aktingan sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ – Balita