Pinatulan ni Kapuso comedy star-TV host ang "₱1k peso challenge" sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Setyembre 16.

“mga ulam na kinalakihan ko at till now paborito kong ulam 😋😋😋 tingnan natin ilang ulam ang mabibili ko sa 1K peso challenge 🙏🏼” saad ni Pokwang sa caption ng kaniyang post.

Sa halagang ₱1000, nakabili si Pokwang ng apat na sardinas, kalahating kilong galunggong, kamatis, ¼ na sibuyas, anim na itlog, limang kilong bigas dalawang taling kangkong, dalawang taling talbos ng kamote, dalawang taling ampalaya, at dalawang pirasong sayote.

Pero ayon sa komedyante, dalawang araw lang umano tumagal ang mga pinamili niyang ulam nang may isang netizen na magtanong sa kaniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Kasya pang 1week mamang? 😬”

“@cgsflorido napag kasya ko ng two days binase ko ng lima sa pamilya,” sagot ni Pokwang

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang “₱1000 weekly meal plan” ni Neri Miranda dahil hindi umano ito wais.

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens