Naglabas ng reaksyon ang beauty queen na si Samantha Bernardo sa naging pag-anunsyo ng Miss Universe Organization (MUO) na aalisin na ang ‘age limit’ para sa contestants.

Nito lamang lamang Miyerkules, Setyembre 13, inihayag ng MUO na aalisin na nito ang ‘age limit’ para sa contestants ng Miss Universe at iba pang associated pageants simula sa 2024.

“Starting then, every adult woman in the world will be eligible to compete to the Miss Universe,” pahayag ng MOU.

Bago ang naturang announcement, 18 hanggang 28 ang age limit para maging qualified sa naturang pageant.

National

Dahil sa Taal: F2F classes sa ilang mga lugar sa PH, suspendido pa rin sa Agosto 20

Dahil naman sa nasabing pagbabago sa rules ng MOU, tila hindi napigilan ni Samantha, 30, na mapa-react dito sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“Me: after the announcement of @missuniverse 💫,” ani Samantha sa kaniyang post kalakip ang isang larawan na tila nag-iisip.

Agad namang nagbigay ng komento ang ilan ding beauty queens sa naturang post ni Samantha.

“SAM U KNOW MY THOUGHTS! YOURE MY UNIVERSE,” ani Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Consencino Arnold.

“LOVE THISSS hahahaha go Queen!! 🤍🤍✨✨,” komento naman ni Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez.

“HAHAHAHAH BABE, SAMEE 😂😭,” saad din ni Binibining Pilipinas Supranational 2019 Resham Ramirez Saeed.

Matatandaang sumabak si Samantha sa Miss World Philippines pageant noong 2013.

Sumali rin siya sa Binibining Pilipinas noong 2018 at 2019.

Taong 2020 naman nang mapili ang Palawena beauty queen na i-represent ang Pilipinas sa Miss Grand International 2020, kung saan kinoronahan siya bilang first runner up.