Nakatakda nang muling buksan sa mga motorista ang Lagusnilad Vehicular Underpass, na kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, i-aanunsiyo na lamang nila sa mga susunod na araw ang eksaktong petsa kung kailan sa huling linggo ng buwan ng Setyembre, ang muling pagbubukas ng underpass para sa mga motorista.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang Viber message para sa mga mamamahayag, sinabi ni Abante na, "Target opening is end of September. Exact date will be announced later."

Matatandaang noong Mayo ay sinimulang isailalim ng Manila City Government ang Lagusnilad sa rehabilitasyon bunsod na ng mga lubak at madalas na pagbaha doon.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng P50 milyong pondo para sa upgrading, concreting at drainage repair ng underpass.

Sinabi ni Lacuna na bagamat ang Lagusnilad ay nasa ilalim ng national government, nagpasya ang lokal na pamahalaan na sila na ang magpagawa nito para na rin sa kaginhawahan sa pagbiyahe ng mga motorista.