Naglabas ng mensahe sa pamamagitan ng ‘X’ ang Ben&Ben nitong Martes, Setyembre 5, para sa 3rd anniversary ng Liwanag fandom.

Inalala ng nasabing banda ang mga pinagdaanan nila kasama ang kanilang fans mula sa mga memorableng show at concert hanggang sa pag-usad ng buhay ng mga ito.

“Gusto naming sabihing, proud kami sa kung papaano mo salubungin ang tamis at pait ng buhay! Nakakahangang makita kung pa’no ka magpakatatag, magpakatotoo, at higit sa lahat, kung pa’no ka magmahal at mag-alay ng sarili. Ang dami naming natututunan sa inyo,” pahayag ng banda.

Lubos-lubos ang kanilang pasasalamat sa fan dahil sa ibinibigay na suportang ng mga ito sa kanila sa iba’t ibang anyo at paraan gaya ng pagdalo sa mga show, pakikinig sa kanilang mga kanta, pagbili ng kanilang merch, pagboto sa kanila online.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Ramdam namin ang pagmamahal niyo, lagi’t lagi–”

“Salamat sa pagkapit kahit na may mga pagsubok, sa’n man sa buhay galing yung mga yun.”

Dagdag pa nila, saan man sila dalhin ng buhay at pangarap, laging nakaugnay ang kanilang puso sa fans.

“Sa bawat liriko at nota ng mga kantang sinusulat at inaawit, kayo ang nasa puso’t isipan namin. We will always work our hardest and make you proud! Let’s reach new heights together.”

At bilang panapos, binanggit nila ang pamosong linya mula sa kantang “Araw-araw”: “Pipiliin namin kayo, araw-araw.”

“See you online, sa shows, or sa tapat niyo! 😉 Labyu, Liwanag! 💙💛😂🤟”

https://twitter.com/BenAndBenMusic/status/1699000077182804434

Isang OPM band ang Ben&Ben na nabuo noong 2017. Ang nasabing banda ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Paolo Benjamin, Miguel Benjamin, Poch Barreto, Jam Villanueva, Agnes Reoma, Pat Lasaten, Andrew de Pano, Toni Muñoz, at Keifer Cabugao.