Engaged na sina former child actor Bugoy Cariño at volleyball player EJ Laure nitong Lunes, Setyembre 4.

Nag-propose si Bugoy sa mismong araw ng kaniyang debut.

Sa IG story ni Zeus Collins, matutunghayan doon kung paano inalok ni Bugoy si EJ ng kasal.

“Itong babaeng ‘to, papakasalan ko. Itong babaeng ‘to, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta n’yo,” pahayag niya sa harap ng kaniyang mga bisita sabay baling kay EJ.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“EJ. Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?”

Napuno nang sigawan ang buong venue lalo na nang lumuhod si Bugoy sa harap ng kaniyang jowa.

Matatandaan na Setyembre 3, 2020, inamin ni Bugoy sa kaniyang 18th birthday na may 2 taong gulang na silang anak ni EJ.

Matatandaang sa mediacon ng kaniyang pelikulang "Huling Sayaw," sinabi ni Bugoy na itinuturing niyang blessing ang pagkakaroon nila ng anak ni EJ, kahit nawalan siya ng mga proyekto at endorsements noon.

MAKI-BALITA: Bugoy ‘naolats’ sa projects matapos maging batang ama