Sa guwapo ba naman ng anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak ay suwerte raw ang aktres na si Andrea Brillantes kapag naka-date niya nga ito, ayon kay Lolit Solis.

“Suwerte nga ni Andrea Brillantes pag naka date niya dahil for sure maiinggit ang ibang young stars,” sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Setyembre 5.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Bongga din si Andrea na kahit anong issue talagang open siya sagutin at very honest sa kanyang feelings. Big news pag natuloy ang date nila ni Jacob,” dagdag pa niya.

Samantala, suwerte rin daw si Ina Raymundo dahil bukod sa guwapo ay seryoso rin sa pag-aaral si Jakob.

"Ang guwapo naman Salve ng anak ni Ina Raymundo na crush at gusto maka date ni Andrea Brillantes. Suwerte ni Ina dahil guwapo na seryoso pa sa pag aaral ang anak na si Jacob. Hindi nga malayo na marami ang magka crush dito dahil mas pogi pa nga kesa sa ibang artista," ani Lolit.

Noong nakaraang buwan matatandaang inamin ng Kapamilya star na nang una niyang masight sung si Jakob ay naguwapuhan siya rito, ayon sa vlog na “Date or Pass” nila ng kaniyang kaibigan.

“I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya ‘Hey, I’m Jakob.’ Gwapong-gwapo na ako sa kaniya dati pa,” pag-amin ni Blythe.

At walang pag-aatubiling “nagparamdam” na nga ang aktres kay Jakob.

“Hi, Jakob! If you’re watching, I’m single now. Pero if taken ka, baka pwede ‘yung sister mo na lang. I would date Erika,” aniya.

Maki-Balita: ‘I’m single now!’ Andrea Brillantes bet maka-date si Jakob Poturnak

Gayunman nang mapag-usapan sa social media ang naturang vlog, naglabas ng saloobin ang aktres hinggil sa mga sinasabi ng mga tao sa kaniya.

Anang Andrea, alam daw niyang wala siyang pang-amoy subalit “naamoy” na raw niya kung ano-ano ang sinasabi ng netizens tungkol sa kaniya sa comment section, kahit hindi pa niya ito nababasa.

Palagay raw ni Andrea, maraming “boomers” ang nagsabing puro daw siya boys, hanap siya nang hanap, magpahinga naman daw siya, at to be harsh ay “malandi” siya.

Muling nilinaw ng aktres sa mga hindi pa nakakapanood ng kaniyang vlog na nag-disclaimer daw sila sa vlog na they are just having fun at don’t take it seriously.

Maki-Balita: Andrea nagsalita sa reaksiyon ng mga tao tungkol sa ‘Date or Pass’ vlog niya