Sinabi ng aktres na si Janice Jurado na paminsan daw, parang "sinasaniban" ng yumaong Da King Fernando Poe, Jr. ang direktor at lead star ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin.

Sa vlog ni TV5 broadcast journalist Julius Babao na "Unplugged," natanong niya si Janice kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba nina FPJ at Coco pagdating sa pagdidirehe at pagtrato sa mga tao.

Sey naman ni Janice, wala raw halos pagkakaiba sa estilo ng pagdidirek nina FPJ at Coco. Pareho daw silang walang script-script at talaga ipinaliliwanag kung ano ang gusto niyang makita sa eksena.

"Walang pagkakaiba... minsan nakaupo 'yan, sa malayo... yung upo ni FPJ na nakagano'n... sabi ko kay Lovi (Poe), 'Lovi, Lovi... tingnan mo si Coco oh, parang tatay mo... may mga salita at tayo siya na parang si FPJ... para siyang nasasaniban. Para siyang nasasaniban," ani Janice.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagkaiba lang daw ang dalawa pagdating sa pagbibigay ng instructions sa dialogue. Si FPJ raw ay mas malumanay habang si Coco naman, may kasama nang aksyon.

Pareho ding may pakialam at respeto sa mga katrabaho ang dalawa, lalo na raw si Coco. Isa-isa pa raw nilalapitan at pinupuntahan talaga ni Coco ang mga nakatatanda sa set gaya niya upang kumustahin at tanungin kung okay lang sila.

Samantala, pinabulaanan naman ni Janice ang mga tsika na kaya raw siya natanggal sa Batang Quiapo ay dahil sa pinasabog niyang rebelasyon, na naging magkarelasyon sila ni FPJ.

Paliwanag ni Janice, wala kasi sa eksena sina Lovi (na ikinasal at nasa ibang bansa) gayundin si Toni Fowler kaya technically ay wala rin siya sa eksena.

Bukod dito, nakakaloka rin ang rebelasyon ni Janice patungkol sa kaniyang mga naging karelasyon.

MAKI-BALITA: Buking ni Janice Jurado: dating pangulo, kinukuha siya bilang ‘display’

MAKI-BALITA: Janice Jurado ikinuwento reaksiyon ni FPJ nang malamang talo sa eleksyon

&t=1079s