National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tumanggap ng mainit na pagsalubong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mula sa mga opisyal ng Indonesia sa kanilang pagdating sa nasabing bansa nitong Lunes ng gabi.

Dakong 6:00 ng gabi nang lumapag sa Soekarno-Hatta International Airport ang presidential plane, lulan si Marcos at delegasyon nito.

Bukod sa pakikilahok sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits, kabilang sa prayoridad ng Pangulo ang pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bilateral partners upang makapagbukas ng higit na oportunidad para sa bansa.

Inaasahan ding dadalo sa pagpupulong ang mga ASEAN leader mula sa Australia, Canada, India, China, Japan, Korea, United States, at sa United Nations, upang isulong ang kooperasyon sa pangangalakal at pamumuhunan, climate action, food security, clean energy, at maritime cooperation.