Tila "relationship goals" ang mag-jowang timbog sa isinagawang buy-bust operation sa Aguinaldo St., Barangay V, Silay City, Negros Occidental nitong Biyernes, Setyembre 1.

Kinilala ang mga magkasintahang suspek na sina Rynol Brady, 30, at Mary Grace Duran, 35, residente ng Barangay Mambulac sa nasabing bayan.

Nakumpiska sa kanila ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000 at 10 gramo ng tuyong marijuana na nagkakahalaga naman ng ₱1,200.

Naaresto ang dalawa matapos umano nilang pagbilhan ng iligal na droga ang isang nagpanggap na buyer.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ayon sa mga awtoridad, matagal na umanong nagtutulak si Brady samantalang ang partner nitong si Duran ang bago pa lang sa nasabing krimen.