Tatlong araw pa ang inaasahang pananatili sa bansa ng bagyong Goring.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng umaga o hapon.

Inaasahang tatawirin ng bagyo ang Taiwan Strait bago mag-landfall sa southern eastern China sa Biyernes o Sabado ng umaga.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunman, inaasahang kikilos muna ang bagyo pa-hilagang silangan at hilaga ngayong Lunes, hanggang Martes, Agosto 29, bago tahakin ang hilagang kanluran patungong Bashi Channel sa bisinidad ng Batanes.

Posible pa ring hagupitin ng bagyo ang Batanes sa Miyerkules ng umaga o sa gabi.

Sa abiso ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes, huling namataan ang bagyo 260 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at kumikilos pa-hilaga sa bilis na 15 kilometer per hour (kph).

Babala pa ng PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging 155 kph malapit sa gitna at bugsong hanggang 190 kph.