CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Arestado ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Mayapyap, ayon sa ulat nitong Sabado.

Kinilala ng PDEA Nueva Ecija ang mga suspek na sina Rebecca Gaudio, Orlando Gaudio, at Jerwin Medina.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa isinagawang operasyon nasamsam ng awtoridad ang limang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi bababa sa 15 gramo ng umano’y shabu na may halagang P102,000; assorted drug paraphernalis, at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.