Mukhang push na na push na talaga ang matagal nang inaabangang "The ABS-CBN Ball 2023" matapos itong pormal na i-anunsyo sa social media platforms ng Kapamilya Network.

Ayon sa caption, magaganap ang ball sa Setyembre 30, 2023. May tagline itong "A new chapter begins."

May hashtag din itong "#ABSCBNBallisBack" at "#ABSCBNBall2023."

Agosto pa lamang ay nananabik na ang solid Kapamilya fans na masilayan ang Kapamilya stars.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey nila, sana raw lahat ng mga artistang dati at kasalukuyang artists ng ABS-CBN ay makita nila, pati na ang mga nagsilipatan sa ibang network, tutal naman daw ay tapos na ang "network war."

Sa nagtapos na "GMA Gala 2023" kasi ay may ilang Kapamilya stars na naimbitahan, sana ganoon din daw ang mangyari sa ball na ito na inilarawan bilang "most anticipated event" ng 2023.

Kung ang ABS-CBN execs na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes ay dumalo sa GMA Gala, expect din na baka may magpunta rin sa ABS-CBN Ball mula sa kampo ng GMA Network, sa A2Z, at sa TV5 na mga partners ng Kapamilya Network.

Matatandaang na-postpone ang ball noong 2022 dahil marami raw sa Kapamilya stars ang hindi makapupunta sa nabanggit na event.