
(PNA)
₱63.9M jackpot sa lotto, walang nanalo
Wala na namang nanalo sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Umabot sa ₱63,909,024.20 jackpot ang hindi tinamaan sa nasabing draw kung saan lumabas ang winning combination na 07-11-06-15-49-12.
Sa isa pang draw, wala ring nanalo sa 6/45 Mega Lotto.
Nasa ₱63,119,481.60 ang naging jackpot sa 6-digit winning combination na 03-04-05-40-35-44.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.