Inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kaniyang amang si dating Manila Vice Mayor Danilo Bautista Lacuna nitong Linggo, Agosto 13.

Sa kaniyang Facebook post, inihayag ni Mayor Honey na namaalam ang kaniyang ama nitong Linggo ng umaga habang nasa tabi nito ang kanilang mga mahal sa buhay.

"It is with immeasurable sadness that we announce the death of Hon. Danilo Bautista Lacuna, Former Vice Mayor of Manila,” ani Mayor Honey.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his hears and into the hearts of us all qhere he will remain forever,” saad pa niya.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

“We invite you to join us as we celebrate his life as well as his new life in Paradise.”

Nagsilbi umano si Danilo Bautista Lacuna bilang Manila City Councilor mula 1968 hanggang 1975.

Naging city vice mayor naman siya mula 1970 hanggang 1971; 1988 hanggang 1992, at 1998 hanggang 2007.