Bahagyang kumalma ang Bulkang Taal sa nakalipas na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa 24 oras na pagmonitor sa bulkan, binanggit ng Phivolcs na wala itong naitalang pagyanig at hindi rin nagbuga ng sulfur dioxide.

Huling nagbuga ng sulfur dioxide ang Taal Volcano nitong Agosto 10, kung saan umabot ito ng 1,209 tonelada.

Nagpakawala rin ito ng puting usok na hanggang 600 metrong taas at tinangay ng hangin pa-silangan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naitala rin ng ahensya ang pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng hilagang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Nasa Level 1 pa rin ang alert status ng bulkan at pinagbabawalan pa ring pumasok ang publiko sa TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures at pamamalagi sa lawa nito dahil sa nakaambang pagbuga ng abo at nakalalasong usok.