Matapos matalo kamakailan, gumanti kaagad ang Gilas Pilipinas sa Senegal, 75-63 sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa Heyuan Sport Gymnasium sa China nitong Linggo.

Dahil dito, tangan na ng National team ang 2-1 record. Ang Senegal pa lamang ang nagpatumba sa koponan nitong Biyernes.

Nagtulungan sina CJ Perez at Bobby Ray Parks upang umalagwa kaagad ang Gilas sa unang bugso ng laban.

Nagbanta pa ang Senegal matapos tumira ng tres si Jean Boissy at maipantay sa 56 ang laban.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Gayunman, rumatsada pa rin si Parks matapos makapuntos ng anim upang ibigay sa koponan ang bentahe.

Nagpupumilit pa ring makahabol ng Senegal sa huling bahagi ng laro na kaagad na hinarang nina AJ Edu at Kiefer Ravena na kapwa nagpakawala ng tres hanggang sa  maibulsa ang panalo.