Matapos kumalma ng ilang araw, bumalik na naman sa pag-aalburoto ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Paliwanag ng Phivolcs, naitala ang mga nasabing pagyanig simula Sabado ng madaling araw hanggang Linggo ng madaling araw.

Gayunman, hindi nagbuga ng sulfur dioxide ang bulkan sa nakaraang 24 oras na pagbabantay ng ahensya.

Nagkaroon ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 900 metrong taas ng usok ang pinakawalan ng bulkan at ito ay tinangay ng hangin pa-hilagang silangan.

Namamaga rin ng pamamaga sa hilagang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Bawal pa ring pumasok sa TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng bulkan dahil sa nakaambang phreatic explosions at pagbuga ng abo.

Nasa Level 1 pa rin ang alert status ng bulkan.