Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinagkaloob na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahigit ₱173 milyong kabayaran ng mga manggagawang naghain ng reklamo laban sa kanilang employer sa Central Visayas.

Sa pahayag ng DOLE, naresolba ang sigalot sa pagitan ng mga manggagawa at employer sa tulong na rin ng programang Single Entry Approach (SEnA). 

Ang SEnA ay programa ng ahensya na may layuning malutas kaagad ang labor issues sa pagitan ng mga manggagawa at ng kanilang amo.

Nakinabang sa nasabing halaga ang 2,904 na manggagawa mula sa buong Central Visayas, para sa iba’t ibang monetary claims na kinabibilangan ng underpayment (sa sahod); maternity claim; at hindi pagbibigay ng 13th month pay, holiday pay, night shift differential, service incentive leave, at overtime pay.

Pinangasiwaan din ng ahensya ang pagbibigay ng mga sumusunod na monetary claim: ₱43.7 milyon para sa 887 apektadong manggagawa nitong Marso; ₱11.8 milyon para sa 405 manggagawa nitong Pebrero; ₱8.1 milyon para sa 221 manggagawa nitong Enero; ₱3.9 milyon sa 159 manggagawa nitong Hunyo; at ₱1.7 milyon para sa 96 manggagawa nitong Abril sa naturang rehiyon.