Usap-usapan ngayon ang pasaring na tweet ni "E.A.T." host Joey De Leon hinggil sa mga nagsasabing hindi raw dapat nagpakasal sina Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil sa sunod-sunod na paghambalos ng bagyo sa mga nakalipas na araw hanggang sa kasalukuyan.

Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!" pahaging ni Joey sa kaniyang verified X (dating Twitter) account nitong Martes, Hulyo 31.

"Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng 'kasalanan'—-KASAL!"

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1685859837278838784

Bagama't wala namang tinukoy kung sino o sino-sino ang pinatutungkulan, lumutang ang pangalan ni Kabayan Noli De Castro lalo na sa pahiwatig ng salitang "kababayan."

Segway ni Kabayan tungkol sa bagyo habang pinag-uusapan kasal nina Maine-Arjo, pinalagan

Matatandaang binatikos ng mga netizen si De Castro matapos umanong sumegway sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa, habang pinag-uusapan ng co-news anchors na si Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga Diaz ang tungkol sa naganap na kasal ng dalawa.

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Kabayan tungkol dito.