Ipinagdiwang ng TVJ at legit Dabarkads hosts ang 44th anniversary ng "Eat Bulaga!" na tinawag nilang "National Dabarkads Day" nitong Sabado, Hulyo 29, 2023.

Biro ng isa sa mga host ng "E.A.T." na si Joey De Leon, sila lamang ang show na pati ang katapat na programa sa ibang network ay nakikiisa sa kanilang selebrasyon.

Ang tinutukoy niya ay ang umeereng "Eat Bulaga!" ng TAPE, Inc. at umeere naman sa GMA Network.

Kaugnay ng NDD, may panibagong hirit na naman si Joey na tila pasaring sa hindi pinangalanang grupo.

Paolo nasasaktan kapag tinatawag silang 'Fake Bulaga'

"As of today, nadagdagan na naman ang mga network monikers and nicknames," ani Joey.

"Kapatid, Kapamilya,Kapuso, KAPALMUKS!"

Hindi naman tinukoy ni Joey kung sino o sino-sino ang tinutukoy niyang "Kapalmuks" o pinaiksing "Kapal ng Mukha."

Ang idyomang "kapal ng mukha" ay kasingkahulugan ng salitang "walang hiya."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ang Tape GMA na inalisan nyo ay Bahay lamang. KAyO ang Tunay na TAHANAN."

"lumalaban pa ang mga kapalmuks hindi nlang ibigay ng kusa sa tvj ang eat bulaga sa kanila naman talaga nararapat ang titulong yan"

"Tigas ng mga mukha ng fakebulaga! okay lang sana mag celebrate sila pero sana yun credits sa TVJ. sarap sabunutan ng mga tape ng loslost"

"Yes Sobrang KAPALMUKS talaga Nila. Harapang pagnanakaw ang ginagawa nila"

"Happy Anniversary TVJ and legit dabarkads! 🎉🎉🎉 Kapalmuks talaga. . Di na lng baguhin ang pangalan at ibigay sa inyo ang Eat Bulaga. Parang may ambag sila dun."

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ni "Eat Bulaga!" host Paolo Contis na nasasaktan sila kapag sinasabihan silang "Fake Bulaga."

Reaksiyon naman dito ni Tito Sotto III, dapat ay magpalit na sila ng pangalan.

https://balita.net.ph/2023/07/30/tito-sotto-nag-react-sa-pahayag-ni-paolo-contis-tungkol-sa-fake-bulaga/