Tila nag-init ang netizens sa patakam na larawan ng hunk actor na si Ahron Villena habang nakababad sa bathtub.

Sa Instagram post ni Ahron nitong Linggo, Hulyo 16, makikitang enjoy at relax ang aktor habang nasa bathtub.

Having a hot bubble bath in this cold rainy weather. 🛁 Swipe ⬅️✌🏻,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Mukhang hindi naman napigilan ng ilang netizens ang mainggit sa kumuha ng larawan ng aktor.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“Lucky camera man.”

“Sana ako nalang photographer mo.”

“Hiring po ba ng photographer sir?”

Swerte ng namicture.”

Mapapansin din ang taglay na appeal factor ng aktor na siyang lalong umano’y nagpainit sa pakiramdam ng ilang netizens.

Ops kalma self!”

“Jusko lord. Sarap!”

“May I please join you??”

Wala namang nabanggit si Ahron kung sino ang kumuha ng kaniyang larawan sa naturang bathtub.