Bolinao, Pangasinan -- Isang 23-anyos na call center agent ang nalunod sa isang resort sa Brgy. Ilog-Malino rito, Linggo, Hulyo 16. 

Tumuloy si Aloysius Kevin Masa Chavez, residente mula sa Sta. Rosa, Laguna, kasama ang kaniyang kaibigan sa Vero Amore Resort at nagdesisyong mag-kayak dito.

Dahil sa malakas na alon sa naturang lugar, nalunod ang biktima habang nakaligtas naman ang kaniyang kaibigan.

Agad na rumesponde ang pinagsanib na puwersa ng Bolinao Police, Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at staff ng resort at sinubukan pang i-revive si Chavez.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala ang biktima sa Rillera Medical Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician na si Dr. Thelma Santos.