Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City - Isang mataas na opisyal ng New People's Army (NPA) ang dinakip sa Diffun, Quirino nitong Sabado.

Nasa kustodiya na ng Diffun Municipal Police Staion ang 66-anyos na si Ramon Luis, alyas "Mon" at taga-Barangay Villa Pascua, Diffun.

Sa report ng pulisya, nagsagawa ng operasyon ang mga tropa ng gobyerno na ikinaaresto ni Luis sa kanyang bahay nitong Hulyo 15 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Executive Judge Bonifacio Ong, ng Regional Trial Court Branch 24, 2nd Judicial Region, Echague, Isabela, sa kasong Multiple Murder.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa Luis ay itinalaga bilang Secretary of Sangay ng Pratido sa Platun (SPP) - Gani, Central Front, Komiteng Rehiyon-Hilagang Silangang Luzon noong 2002. 

Naging training officer din si Luis noong 2017 at itinalaga rin bilang Agrev Officer ng KomProb Isabela, KRCV noong 2020.