Matapos pag-usapan ang cryptic tweet ng Kapamilya star na si Janella Salvador, usap-usapan din ang makahulugang tweet ng Kapamilya actor at Star Magic talent na si JC Alcantara nitong Sabado ng gabi, Hulyo 8, 2023.

MAKI-BALITA: ‘Cryptic tweet’ ni Janella Salvador, patama nga ba sa Star Magic?

Mababasa sa kaniyang tweet ang tila pasaring hinggil sa "favoritism."

Ang favoritism ay isang praktis na tumutukoy sa pagkiling sa isang tao o bagay dahil gusto, bet, o paborito ito, kaya ang nangyayari ay posibleng magkaroon ng "unfair treatment" sa ibang tao o bagay na hindi paborito, ayon sa Oxford Dictionary.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Naol my favoritism, lagi na lang tayong option," mababasa sa tweet ni JC.

https://twitter.com/imJCAlcantara/status/1677635212501716992

Umani ito ng iba't ibang espekulasyon mula sa mga netizen, at mayorya ng tweets ay umuugnay sa naganap na "Star Magic Catalogue" launching kamakailan.

"Wala rin po ba siya sa star magic catalogue?"

"Is it about the Star Magic Catalogue?"

"Don't worry... darating din ang time mo... hayaan mo sila... bukod doon, you always have a choice naman 'di ba? Anywhere susunod kami sa'yo."

"Like what Belle Mariano said: just be patient and trust the management because God’s plans will fall accordingly."

"Lipat ka na sa ibang channel. Malay mo doon magiging big star ka."

"True and may punto ka diyan! Pero someday... dadating ang spotlight mo sa tamang panahon, you just have to believe in yourself na kayang-kaya mo 'yan and we will always support you JC!"

"You're a great actor! Grabe ang versatility mo lalo na sa latest show mo na DYAM. Go lang ng go!!! You're appreciated."

Samantala, sa isa pang tweet ay binarda ni JC ang isang Twitter user na nagsabing tila "favorite" din naman sila matapos raw makapasok sa "Pinoy Big Brother" o PBB ang kaniyang kapatid.

Ang tinutukoy na PBB teen housemate na kapatid ni JC ay si Paolo Alcantara, na kasali sa PBB: Kumunity Season 10 teen edition noong 2022.

Ani JC, "Wow mas may alam ka pa ata? Ako nga di ko alam na papasok kapatid ko, nalaman ko bandang huli na, eh s'ya lang naman nagpakahirap sa Kumu para makapasok doon na hindi ginamit pangalan ko na may kapatid s'yang artista. Di pa kayo tapos dito?"

https://twitter.com/imJCAlcantara/status/1677651685131583488

Ang Star Magic ay talent management arm ng ABS-CBN, na unang pinangasiwaan ni Johnny "Mr. M" Manahan, at nang lumipat sa Sparkle GMA Artist Center noong 2021 bilang consultant (kasama si Mariole Alberto), ay sinalo at pinamahalaan na ni Direk Laurenti Dyogi.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag si JC o maging ang pamunuan ng Star Magic at ABS-CBN tungkol sa isyu.