Mag-bessie sa teleseryeng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ ang aktres na si Lovi Poe bilang Mokang’ at social media personality na si Toni Fowler na gumanap naman sa karakter ni ‘Chicky’ na kung saan ito ang kaniyang unang exposure sa telebisiyon.

Matatandang ‘LSS’ naman kamakailan lang ang netizens sa kantang “MPL” o Malibog ‘Pag Lasing ni Toni Fowler na mas kilala ring ‘Mommy Oni’ dahil sa catchy na linya ng kaniyang kanta na may lyrics na, “Ako’y tahimik lang sa umpisa, kahit ‘di mo ako pilitin”.

Sa Instagram post ni Lovi kamakailan mababasa ang caption na, “Madalang samin ang take 1. 🎬 Lagi kasi akong pinapatawa ni Bessie 🙈” kaya’t mapapansing hindi sila tahimik sa umpisa dahil sa tawanan.

Tila nadamay naman na si Lovi sa madalas na ikinokomento ng netizens kay Toni.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Bigyan mo ng tequila si bessie”

“Labyuu mokang and chikkkyyyyy”

“Pwede na to sa MPL”

Mapapanuod naman ang ‘FPJ’s Batang Quiapo’ mula Lunes hanggang Biyernes ika-8 ng gabi sa ABS-CBN Kapamilya channel.

Arci Brezuela Rutagenes