Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Boluntaryong sumuko ang anim na dating miyembro ng Militiang Bayan sa Aurora noong Martes, Hunyo 13. 

Nangako sila ng katapatan sa gobyerno. Ang mga sumuko ay sinamahan umano ng Regional Gravity Center ng Cagayan Valley Committee (KR-CV). 

Ibinalik din nila ang dalawang hand grenade, improvised 12-gauge shotgun, 1-meter detonating cord, blasting cap, tatlong 12-gauge na bala; M14 magazine, 10 7.66mm na bala, bandila ng CPP-NPA at ilang libro at dokumento.

Binigyan sila ng financial assistance at iba pang tulong.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol