Naging extra ang kasiyahan sa kasal nina Prialyn at Mart Javier mula sa Laguna matapos ang naging kakaibang gimik sa kanilang wedding reception kung saan nagpalaro sila ng “Bingo.”

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Prialyn na naisip nilang mag-asawa na surpresahin ang kanilang wedding guests ng nasabing palaro dahil parehong mahilig umano ang kani-kanilang mga pamilya sa parlor games.

“Nag-isip lang kami ng kakaibang pakulo para mag-enjoy ang bisita. Karamihan po sa bisita ay wala po talagang idea na magpapa-Bingo kami and ano ba mga prizes,” ani Prialyn.

Bukod daw sa grand prize nilang cash, nagkaroon din ang newly wedds sa kanilang ‘Bingo’ easy round ng mga papremyong tulad ng tumblers, mga relo, earbuds, at stuff toys.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tila nagtagumpay naman sina Prialyn sa kanilang goal na mas pasayahin pa ang mga bisita dahil kitang-kita raw na nag-enjoy ang mga ito sa pagbi-Bingo.

“Unang numero palang nagsisigawan na 😅,” kuwento ni Prialyn. “Kasali din kami para masaya, kami nga po unang bumingo 🤣.”

Saad pa ni Prialyn, nagkataon naman na ninong nila ang nanalo sa grand prize kaya hinati nito ang premyong pera para magkaroon pa ng next rounds sa laro at naging mas masaya pa ang kanilang mga bisita.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!