Nanlaki ang mga mata ng netizens sa nakitang grocery bill ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez, nang mamili sila ng anak na si Lorin, sa isang superstore sa Alabang.

Ibinida ni Ruffa ang naturang grocery store sa Alabang na tila ineendorso niya. Makikita sa Instagram post ang mga litrato nila ng panganay habang nasa loob nito.

Sa isa sa mga litrato ay makikita na umabot sa ₱47, 301. 56 ang pinamili nila!

Biro ng mga netizen, tila "sinampal" daw ni Ruffa ng kahirapan ang ilan dahil sa halaga ng kanilang grocery bill.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Sana all tlga ako 1k lng Ang hirap pa itipid"

"Super duper mahal talaga ngayon, kanina nga nag Sm kami i paid 23,000 mahigit sa grocerry lang namin and di pa yon enough mag second waive grocerry pa ulit . Philippines is very expensive narin."

"SANA ALL 47kyaw"

"Nanampal si Ruffa at pinamukha sa atin ang pagiging hampaslupa..."

"Grabe, yayamanin!"