Matapos ang hindi bababa sa dalawang taon, naniniwala si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na tapos na ngayon ang banta ng Covid-19.

Sinabi ito ni Marcos sa reception na ginanap ng Asian Development Bank (ADB) sa headquarters nito sa Mandaluyong City nitong Lunes ng umaga, Mayo 22.

Sa kaniyang talumpati, binanggit ng Pangulo ang pag-anunsyo kamakailan ng World Health Organization (WHO) na ang Covid-19 ay hindi na kumakatawan sa isang "global health emergency."

MAKI-BALITA: Covid-19, hindi na global health emergency – WHO

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

"We gather today at a propitious time. Just a few days ago, the WHO official declared that Covid-19 is no longer a public health emergency of international concern," ani Marcos.

"While the declaration does not mean that we abruptly abandon our universal health protocols, it certainly gave the world the assurance that perhaps the worst is over," dagdag niya.

Matatandaang nagpositibo noon si Marcos sa Covid-19 nang dalawang beses.

Nang tanungin naman kung ano ang magiging tugon ng Pilipinas sa deklarasyon ng WHO, sinabi ni Marcos sa mga miyembro ng media na tinapos ng gobyerno ang Covid-19 emergency status sa bansa noong nakaraang taon.

"We did not restore the emergency status of the Philippines. Matagal na, last year pa,” saad ni Marcos noong Mayo 11.

"So we don't need to do anything. We are already on normal footing. Nauna pa tayo sa kanila," dagdag niya.

Argyll Cyrus Geducos